Asahan ang pag sikip ng daan sa panahon ng kapaskuhan.

Date posted on December 12, 2020
Share this

Ber months na naman. Ilang araw na lang at sasapit na ang Pasko pero kahit ngayong new normal ay hindi maiiwasan ang dagsa ng tao sa mga malls kaya asahan na natin ang mahaba at matinding traffic lalo na sa Metro manila. Kailangan ng mga riders at drivers ng matinding pasensya at disiplina sa panahon na ito. Isa ang road rage sa mga dahilan ng aksidente sa kalsada.

Ayon Sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA, noong nakaraang taon, nakapagtala sila ng 31,279 na kaso ng aksidente ang nai-report kabilang ang mga motorsiklo. Ayon sa MMDA, 16,367 dito ay nasira ang ari-arian, 14,691 ang bilang ng mga nasugatan, at 221 ang namatay. Lumalabas na 86 na kaso ang nagaganap kada araw ayon sa datos na inilabas noong 2019, kaya hindi malayong tumaas pa ito kung tayo ay hindi magiging maingat, disiplinado at pasensyoso sa pagmamaneho sa kalsada

Hiningan naming ng panig ang ilang tao tungkol sa kanilang nararanasan sa daan.

“Ok lang ang biyahe kapag naka motor. In terms sa traffic, normal yun pag pauwi lalo na hindi mo alam yung alternative route pauwi. Pag umaga papasok sa trabaho, depende naman kung anong oras pasok mo. Ibase mo siya sa oras ng biyahe mo kapag nag co-commute ka. Kung before maaga ka buma-biyahe umalis ka kahit 30 minutes at least ng mas maaga at para di ka gahol sa oras and in fact maaga kapa makakadating sa office niyo. Pag naka motor normal makipaggitgitan kapag traffic pero in a way dapat nag-iingat ka at hindi ka nagiging bastos sa iba lalo na sa mga 4 wheels or malalaking sasakyan,” pahayag ni Fernando Libardo, isang motorcycle rider.

“Grabe kung oras ang pagbabasehan dapat takbo namin babalikan ng Tanay 1 oras lang mahigit. Kaso sa kagagawan ng trapik na yan kulang kulang 4 na oras ang nagiging balikan naming. Sobrang trapik, yung ibang mga pasaway na motorista singit dito singit doon kaya ayun, kabi-kabila yung daan ng motor kaya lalong nagta-trapik” sabi ni Marde Salonga, isang jeepney driver.

“Okay lang naman yung pagbyabyahe ko. Di naman hassle yung traffic dahil naka motor ako at madaling nakakasingit sa mga sasakyan. Minsan nakaka-experience ng gitgitan at kung minsan muntik ng magk sabitan pero all good lang ang pag babyahe” sabi ng motorcycle rider na si Daniel Borja.

“Balik na sa normal ang traffic, pero ang pasahero wala pa. Madalang ang dating ng pasahero hindi tulad dati” sabi ni Sender Malipico, isang taxi driver.

Yan ang ilan lamang sa mga araw-araw na nararanasan ng ilan sa ating mga mamamayan sa kalsada at sa huli nasa kamay pa din ng bawat isa sa atin ang magiging solusyon tungo sa ligtas at maayos na pag arangkada sa buhay.

See also

Mods/Builds

Mexican Low-Rider Yamaha Aerox Stands Out in IR Cebu Bike Show

Date posted on April 20, 2020
General News

Two Sections of Tagaytay Bypass Road Now Open

Date posted on October 21, 2020
Mods/Builds

“RAMPAGE” – the Hyper Modified Honda XRM from Zamboanga Del Sur

Date posted on March 30, 2020
Features

Veah Lim: Driven by Passion to Be the Best

Date posted on August 27, 2020
Races

Revised 2021 MotoGP Calendar

Date posted on January 23, 2021
Features

Cbr150rmanila Conquers Baguio and Benguet in 24 hours

Date posted on January 16, 2021
Skip to toolbar