DOTr Clarifies Memo on Motor Vehicle Inspection

Date posted on March 10, 2021
Share this

A statement from the Department of Transportation (DOTr) posted on their social media page:

Liwanagin lamang po natin ang ilang kalituhan patungkol sa Memorandum Circular 2021-01 na inilabas ng Department of Transportation (DOTr) noong March 2, 2021.

WALA PONG DAGDAG O PANIBAGONG REQUIREMENT NA IPINATUTUPAD ANG DOTr AT LTO PARA SA VEHICLE REGISTRATION, PARTIKULAR SA “VISUAL/MANUAL INSPECTION”.

Matagal na pong may visual/manual inspection. Ilang dekada na po ‘yang isinasagawa bago pa man dumating ang mga Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC).

Nagkaroon lamang ng kalituhan ‘yung iba noon dahil ang akala nila, ang MVIS at PMVIC ay iisa. HINDI PO. MAGKAIBA SILA.

Ang MVIS o ang Motor Vehicle Inspection System ang sistema, samantalang ang PMVIC ay isang pribadong pasilidad na nagsasagawa ng motor vehicle inspection.

Noong inanunsyo na hindi na mandatory ang PMVIC, akala ng ilan, hindi na kailangan ng visual/ manual inspection bilang parte ng inspeksyon sa MVIS bago ma-rehistro ang sasakyan.

Iyon po ang itinatama natin ngayon.

Ang visual/manual inspection po, katulad ng ginagawa maraming taon na ang nakakaraan, ay nananatiling requirement bago mairehistro ang sasakyan.

Ang dating proseso kasi, oras na makapasa ang sasakyan sa emission testing na isinasagawa sa mga Private Emission Testing Center (PETC), dadalhin mo ang emission testing certificate mo sa LTO MVIS Facility. Pagdating ng sasakyan sa LTO MVIS o kaya naman sa LTO satellite office, idadaan ang sasakyan sa visual/manual inspection. Kung pasado parehas sa emission testing at visual/manual  inspection, walang problema. Marerehistro ang iyong sasakyan.

Mayroon din namang dumidiretso sa LTO MVIS Facility, kadalasang pampasaherong sasakyan, upang magpa-emission test at visual/manual inspection. Para sa roadworthiness inspection, visual o manual lang ang naisasagawang inspection dahil sira na ang mga makina o equipment.

Noong dumating ang mga PMVIC, maaari nang sumailalim sa kumpletong roadworthiness test (73 points) ang isang sasakyan. Kasama na sa overall inspection na isinasagawa ng PMVIC ang visual/manuall inspection, emission testing, at automated na mga test na kinakailangang isagawa sa tulong ng mga machines at equipment. Ang lahat ng ito ay isinasagawa nila ngayon sa parehas na presyo katulad ng singil ng mga PETC. Wala pong dagdag na singil, at wala rin pong reinspection fee, habang may pandemya.

Sana po ay malinaw at makatulong ang paliwanag na ito.

Maraming salamat!

Source DOTr

See also

Races

Ducati Lenovo Team’s Bagnaia third in Qatar GP; Miller Finishes Ninth

Date posted on March 29, 2021
Races

Eyes on the Prize: Ducati’s Title Charge Revealed

Date posted on March 25, 2021
Industry News

Two-stroke Racing was Key for Industry Growth

Date posted on April 17, 2020
General News

ANGKAS will give free rides to healthcare workers

Date posted on August 7, 2020
Features

Veah Lim: Driven by Passion to Be the Best

Date posted on August 27, 2020
Races

Davies sign off from factory Ducati seat with thrilling Estoril Race 2 victory

Date posted on October 19, 2020
Skip to toolbar