MRO/ROTP Answers Some Doble Plaka Law Frequently Asked Questions

Date posted on May 30, 2020
Share this

The Implementing Rules and Regulations of the RA 11235 comonly called Doble Palaka Law has raised many concerns and questions from motorcycle riders. Aside from the double plates and hefty fines, most concerns are about the registration rules which states that within 5 days of acquiring their motorcycle, it should be registered either by the owner or dealer. Any sale or disposition thereafter must be reported by the owner within 3 days upon notarization of the deed of sale.

The Motorcycle Rights Organization (MRO) and Riders of The Philippines (ROTP) answered some of the frequently asked questions regarding this. The two organizations will also file a case against the RA 11235.

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (Updated May 28, 2020)

  1. Kailangan ba naming magpapalit ng ownership sa rehistro?
    a. Ayon sa batas, oo. Kapag bumili ka ng sasakyan sa iba, at ikaw na new owner, kailangan ito…
  2. Nakapangalan sa aking (magulang, kapatid, anak, kamag-anak, kaibigan) ang motorsiklo. Kailangan ko ba itong ilipat sa pangalan ko?
    a. Walang sinabi sa batas na hindi ka pwede gumamit ng motor na hindi iyo subalit, kailangang mapatunayan mong konektado ka sa kanila. Walang problema ito kung konektado ka sa may-ari pero kung previous owner ito, may pananagutan ka na.
  3. Nakapangalan sa opisina ang motorsiklo, kailangan ko ba ito ilipat sa pangalan ko?
    a. Hindi. Humingi ka ng Authorization o Motorpool pass na sayo naka-intrega ang motorsiklo mo at dalhin mo ito palagi.
  4. Repo ang motor ko na nakapangalan pa sa original owner. Pano po ito?
    a. Kausapin nyo ang kasa. Ayon sa batas, hindi pwede na manatili sa previous owner ang inyong motorsiklo. Hindi nila pwede i-hostage ang pangalan sa rehistro para magbayad kayo dahil may kontrata naman yan. Pag ayaw nila pumayag, isumbong nyo sa LTO.
  5. Nabili ko ang motor ko bago pa ito pirmahan ng presidente. Sakop pa din ba ako nito?
    a. Oo. The law updates all exiting laws.
  6. Sarado pa ang LTO sa mga ECQ at MECQ na lugar, pano po ako magpapa-change ownership?
    a. Wala kang pananagutan habang sarado ang LTO sa inyong lugar. Oras na mag bukas ito, saka ka lang pupunta para gawin ito.
  7. Kailan kami mag-aapply ng bagong plaka?
    a. Sundin ang inyong registration schedule. Dun kayo ma-iisuehan ng panibago o bagong plaka. Sa ngayon, status-quo muna kayo sa Temporary Plate.
  8. Kailangan ko din ba maglagay ng Temp Plate sa harap habang nag-iintay kami ng aming bagong plaka?
    a. Hindi.
  9. Hindi na mahanap, nasa ibang bansa o patay na ang original owner. Pano ako makakapagpa-transfer?
    a. Kausapin nyo ang NOTARY para sa ganitong sitwasyon. Sila ang nakakaalam ng mga kailangang papeles para dito. Pwera sa nasa ibang bansa pero nakakausap ninyo, pwede kayo humingi ng DOS na ipapadala via SNAIL MAIL. Ayon sa mge EXPERT, dapat naka-notaryo na ito pag pinadala sa inyo.
  10. Ano ang kailangan para sa change ownership?
    a. Police clearance ng sasakyan, Deed of sale, Photocopy ng ID ng previous owner na hindi pa paso at application sa LTO.
  11. Magkano aabutin?
    a. 200+ sa change ownership, 300+ sa PNP clearance ng sasakyan at 300+ sa insurance na nasa pangalan nyo.
  12. Pati ba sa kotse o apat na gulong ito?
    a. Ayon sa original na batas, sa pagbili mo ng sasakyan, dapat mo ito ilipat sa pangalan mo. Pero sa batas na ito, motorsiklo lang ang may penalty na 20-50k o kulong o pareho.
  13. Pano kung wala kaming pambayad pa dahil nawalan kami ng trabaho at wala pang pang gastos?
    a. Pumunta pa din kayo sa LTO upang magpalista at sabihin na babalik agad kayo pag kaya nyo na itong bayaran. Patunay ito na hindi kayo nagpapabaya at may intensyon kayong sumunod sa sinasabi ng batas.
  14. Kailan ito magiging epektibo?
    a. Dahil sa ECQ at MECQ, hanggat di pa nagbubukas ang LTO sa lugar ninyo, hindi pa ito nag aapply sa inyo. Pero sa GCQ, maaring asikasuhin na ito upang di na kayo magka-aberya sa kalsada. Tandaan, 5 days pagkatapos ma-issue ang sales invoice at 3 days after ma-notaryo ang DOS ang palugit para mailipat ito sa pangalan ninyo.
  15. Pwede ba gamitin ang DOS pag masita?
    a. Hindi. Ang DOS ay hindi attachment sa rehistro upang magamit ang sasakyan nyo. Kasangkapan lang ito para sa paglipat ng ownership ng isang bagay sa inyo.
  16. Hindi makatarungan ang mga penalty ng batas na ito lalo na sa mga nadidisgrasya ang plaka. Ano ang gagawin ng MRO at ROTP tungkol dito?
    a. KAKASUHAN NAMIN ANG BATAS NA ITO.

FAQ MADE BY MRO/ROTP

Thank you for visiting insideracing.com.ph. You may express your thought below through the comment section. You may also follow us on Facebook, on Instagram @Insideracingnation or on our YouTube channel.

See also

Races

Initial Blitz’08 Motorbike Drag Racing Fiesta

Date posted on September 19, 2020
Industry News

Honda Stirs Underbone Market With the Supra GTR150

Date posted on February 21, 2020
Bike Reviews

7 reasons Why the Kawasaki Ninja 650 is a Smart Buy

Date posted on August 7, 2020
General News

There is Hope for the RFID Instead of Front Plate Decal Proposed by JV Ejercito

Date posted on August 28, 2020
Industry News

The Ninja ZX-25R Has Finally Arrived!

Date posted on July 31, 2020
Industry News

Is Yamaha PH going to introduce the 2020 MT-03?

Date posted on August 3, 2020
Slider
Skip to toolbar