Thoughts of a Filipina rider in times of difficulty and uncertainty
Share this
Ms. Ellen Marquez from Dasmariñas, Cavite, a regular Filipina whom the motorcycle is an important part of her life, expressed her emotional reactions on social media as to how the current and immediate future government policies regarding motorcyclists will directly affect her and other riders’ families.
For the last decade and a half, millions of Filipino lives have been uplifted by owning a motorcycle. The small motorcycle has given them the mobility to be more productive and maintain a positive motivation in life in general. We also believe that the millions of riders played an important role in moving the country’s economy forward.
The motorcycle lifestyle has given them opportunities to improve their economic and social status and for many, a spiritual well-being as they found a permanent purpose and hope in their lives.
That is why emotions always are high among the riders when there is a threat or negative actions against their liberties, especially when it comes from the government, the body which they expect to get protection and support from.
Do not take it against them when a rider or a group of riders express their anger, fear, panic, sadness and frustration. They feel betrayed. It is only a natural human reaction.
Because the effect to their lives are far greater than what the non-motorcycle owning public can imagine or emphatize with. It is the riders’ livelihood and way of life that are being threathened.
Below is just one of many heartfelt reactions.
With her consent we share below her thoughts from her Facebook post:
Bawal Angkas sa kahit sinong family member, multa P5k.
Bawal hindi nakapangalan ang mc sayo na gumagamit nito, multa P20k-P50k plus kulong.
Bawal ang trycle sa national highway.
Bawal modified na mc.
Etc…
Napansin ko lang halos lahat ng batas at bawal patama lahat sa mga riders at mga mahihirap na mamamayan…
Pls. let me know kung may batas ba para sa mga naka kotse or yung mga mayayaman?
Meron din bang batas para sa kanila?
Hindi ba parang pang-aabuso at sobrang discrimination na ang nangyayari?
Ano ba ang gustong mangyari ng mga nasa pwesto? Ang batas ba ay nakakatulong talaga sa taong bayan? Sa nangyayari ngayon mukhang lalo nyo pang pinapahirapan ang taong bayan. Sobra-sobrang pagpapahirap.
Pepwersahin nyong sumunod sa batas na pinapatupad nyo, minamadali nyo.
Halimbawa:
Si Juan, nanghihiram lang ng mc sa pinsan o kapatid pra mag-sideline as grab food delivery para ipangtustos sa pamilya. Ngunit dahil sa RA11235 hindi na magawang maghanap-buhay ni Juan dahil ang mc mandatory na ilipat sa pangalan nya kung hindi eh magmumulta sya ng P20k-P50k na halos wala na syang maipakain sa pamilya nya.
Si Pedro, hirap nang magcommute papuntang trabaho araw araw dahil nasasayang ang 3 hours nya sa trapik at hirap sa byahe makapasok lang sa trabaho. Bumili ng 2nd hand na mc dahil yun lng ang kaya dahil nga naman mahal ang brand new at hirap din kmuha ng hulugan. At dahil ulit sa RA11235 mapipilitan si Pedro na gumastos ng hindi naman hihigit sa P1k mailipat lang sa pangalan nya ang mc na nabili nya, subalit! Dahil sa ilang buwang walang trabaho si Pedro dahil sa pandemic at no work no pay sya ang halagang igagastos sana pra sa pangkain nila ng pamilya nya ay mapipilitan syang gastusin yun pra mailipat lang sa pangalan nya ang 2nd hand mc na nabili nya.
Si Maria, kailangang pumasok na sa trabaho dahil GCQ na, subalit dahil sa bawal ang angkas sa mc kahit pa may rayuma sya at hirap para sa kanya ang maglakad ng malayo titiisin nya dahil sa batas na bawal ang angkas. At ang asawa nyang may mc wala man lang maitulong sa kanya at hahayaan syang makipagsiksikan sa maraming tao na mag-commute, at dahil limited lang ang transportation si Maria maglalakad ng ilang oras at mag-aabang ng ilang oras habang nakabilad sa matinding sikat ng araw at kung mamalasin pa mababasa pa ng ulan. Na-late na sa trabaho si Maria, napagod, nagtiis at sa huli nabawasan ang sahod dahil nahuli sa trabaho na dapat sana’y nakarating sya sa trabaho nya ng maaga dahil nga naman may mc silang mag-asawa.
Ngayon, saan dito ang sinasabing batas na makakatulong sa taong bayan? Saan yung sinasabi noong eleksyon na karamay naming mga mahihirap? Saan na ang pangakong tutulong sa mga pobreng mamamayan na makaahon man lang?
Ang batas na lalong nagpapahirap sa mga taong naghihirap na! Eto ba ang sinasabi nyong tulong sa amin?
Saan naman ang batas para sa mga mayayaman?
Sobrang pagpapahirap ang ginagawa ng mga nasa katungkulan! Masyado nyo nang inapakan at dinuraan ang mga riders dahil lang sa kasalanan ng iilang may masasamang hangaring gumawa ng krimen.
Sa mga batas na pinatupad nyo masyadong halatang gusto nyong mawala na lahat ng mga riders sa kalsada!
Mga wala kayong utang na loob! During this pandemic, ang mga riders lang ang may lakas ng loob sumuong sa banta ng Covid-19 mahatiran lang ng mga pagkain ang mga kababayan natin. Ang mga riders lang ang naiwan sa kalsada upang makatulong sa mga kababayan natin. Subalit ang ginawa ng nasa pwesto habang ang mga riders abala sa pagtulong sa mga kababayan nya ay sinaksak patalikod, gumawa ng batas upang ang mga pobreng riders ay mawala na ng tuluyan!
Nakakalungkot na ngayon! Gusto kong isigaw na ayoko na sa bansa ko dahil ang mga sinungaling at paasang politiko ay hindi pala talaga tutulong sa ating mahihirap bagkus lalo pa tayong ibabaon sa hukay!
Tayong mga pobre ay walang puwang sa bansa natin dahil ang batas na ipinatutupad lahat pahirap lalo sa mga mahihirap!!
Iniwan na tayo ng bayan nating sinilangan!
To watch her video click this LINK:
https://www.facebook.com/groups
Thank you for visiting insideracing.com.ph. You may express your thought below through the comment section. You may also follow us on Facebook, on Instagram @Insideracingnation or on our YouTube channel.