Mangosong Sasabak sa Diamond Moto

Published by insideracingadmin Date posted on May 3, 2016
bornok glenn at starting gate

Bornok Mangosong and Glenn Aguilar at the starting gate

Masasaksihan muli ang gitgitan at aksyon sa pagpasok ng pambato ng Davao Bornok Mangosong sa ikatlong serye ng 2016 Diamond Motor Corporation MX Series darating Mayo 7 sa Mx Messiah Fairgrounds, Taytay Rizal.

Matapos ang dalawang serye ng pagmamayagpag ni beteranong Glenn Aguilar sa pro open category, kaabang-abang ang pagsulpot ni Mangosong sa bakbakan.

POSE- Bornok

Bornok Mangosong

“Throughout the years na kumakarera ako, I learned many things and encountered difficulties along the way. They all made me stronger and smarter as a rider,” sabi Ni Mangosong. “You will see a more matured and relaxed Bornok. The biggest change that happened in me is my relationship to the Lord. He made me unstoppable,” dagdag ni Mangosong, miyembro ng UA Mindanao.

Di din magpapahuli sa muling paghaharap nina Ralph Ramento at Enzo Rellosa sa prolites division. “My expectations for this leg is to have a good start and race with the top guys at the front. I’m preparing myself through proper body conditioning and cardio,” ika ni Ramento, wagi sa dalawang leg ng prolites.

Ilan pa sa mga category na sasalihan ay ang Amateur open production, Executive class, Kids 85cc, Kids 65cc, Kids 50cc, Open underbone, Local enduro at ang MMF Academy.

Ang karera sa pangunguna ng Generation Congregation ay suportado ng Diamond Motor Corporation kasama ang Wheeltek, Dunlop tires, Pilipinas Shell Petroleum Corporation, Coffee Grounds, Xtreme Adrenaline Sports Entertainment Co. at PTT Philippines Corporation. Bibida din ang bandang Silent Sanctuary, Brisom, at Firefalldown sa concert kasabay ng laban.

Words and Photos by: Generation Congregation

Related Posts

Skip to toolbar